Friday, January 30, 2026

Filipino messenger na humaharap sa kasong qualified theft, nakorner ng NPD sa Malabon

Matagumpay na naaresto ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) ng Northern Police District (NPD) ang 37-anyos na humaharap sa kasong qualified theft.

Naaresto ang suspek na isang messenger sa kanyang bahay sa Barangay Catmon sa Malabon City.

Ang pagkakaaresto sa suspek ay dahil na rin sa warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 30, National Capital Judicial Region para sa service of sentence.

Agad naman dinala ang akusado sa DACU para sa documentation bago ang pagsasauli ng warrant sa Court of Origin.

Facebook Comments