
Ligtas na nakauwi ng bansa ang isang Filipino Migrant Worker na na-cardiac arrest habang nagtatrabaho sa Singapore.
Naging posible ito dahil na rin sa humanitarian cooperation ng Philippine Red Cross (PRC) at Singapore Red Cross (SRC).
Ayon kay Jia Qi Tan , Senior executive ng SRC , ang pangunahing preparasyon ng kanilang ginawa ay siguraduhin na clinically cleared at stable para bumyahe ang nasabing Filipino worker kung saan kasama na rin dito ang koordinasyon sa PRC.
Sa hanay naman ng PRC ,para masiguro ang gap-free transfer ay nagdeploy naman ito ng multidisciplinary team ng Welfare Services personnel and Emergency Medical Technicians o EMTs na titiyak naman na tatagpo sa aircraft paglanding nito.
Pagkatapos naman ng nasabing airport transfer ay dinala na rin agad sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMHMC) sa Ilocos Norte ang nasabing filipino worker.
Tiniyak naman ng PRC Ilocos Norte Chapter kasama ng OWWA Ilocos Norte na naibibigay sa pamilya ng pasyente ang medikal at emosyonal na suporta na kinakailangan nito.










