Filipino pole vaulter na si EJ Obiena, nagkamit ng ikaapat na puwesto sa Wanda League sa Sweden

Nagkamit ng ikaapat na puwesto ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena sa Wanda League sa Stockholm, Sweden.

Ito ay matapos makapagtala ng 5.82 meters sa Wanda at natalo naman ang sariling record na 5.80 meters nitong Sabado.

Lumapag sa ikaapat na puwesto si Obiena habang nanguna naman ang Swedish pole vaulter na si Armand Duplantis na may 6.02 meters, Sam Kendricks mula sa Estados Unidos na may 5.92 meters at Renaud Lavillenie ng France na may 5.92 meters.


Matatandaang nagkamit din ng silver medal si Obiena mula sa Bydgosszzcz Cup sa Poland kung saan nakapagtala ang pole vaulter ng bagong record na 5.87 meters.

Facebook Comments