Filipino pole vaulter na si EJ Obiena, nakuha ang ikaanim na puwesto sa world rankings

Patuloy na pinapatunayan ng Filipino pole vaulter na si EJ Obiena ang galing ng Pinoy sa international sports.

Ito ay matapos lumapag sa ikaanim na puwesto si Obiena sa World Athletics Men’s Pole Vault.

Mula sa ika-sampung puwesto ay umangat ng apat na puwesto ang 25 taong gulang na pole vaulter sa world rankings.


Kasunod naman ni Obiena ang pambato ng Brazil sa 2016 Olympic Champion na si Thiago Braz na nasa ikapitong puwesto habang nananatili pa rin sa unang puwesto si Armand Duplantis ng Sweden.

Sa ngayon, makakasama ni Obiena si judoka Kiyomi Watanabe bilang flag bearers ng Pilipinas sa gaganaping opening ceremony ng Tokyo Olympics sa July 23.

Facebook Comments