
Dumating na sa bansa ang Filipino seafarer na nahulog sa barko habang nagtatrabaho sa deck.
Ang Pinoy crew member na si Mark Vergel Caganan ay unang na-rescue ng Russian Pacific fleet tugboat “Alatau” matapos itong maanod sa southern part ng South China Sea ng halos dalawang araw.
Ang Pinoy seafarer ay agad na dinala sa Vladivostok, Russia para sa medical evaluation at temporary accommodation.
Dumating sa Russian Federation si Caganan nang walang identification documents, travel papers, at valid immigration status.
Sa tulong ng Philippine Embassy sa Moscow, Russia, naayos ang travel documents at exit clearances ng Pinoy seafarer at agad itong napauwi ng Pilipinas.
Facebook Comments










