Tuesday, February 3, 2026

Filipino student na nagkaproblema sa Jordan makaraang magtangkang magtrabaho doon, napauwi na ng Philippine Embassy

Napauwi na ng Philippine Embassy sa Jordan ang Filipino student na nalagay sa alanganin matapos na magtangkang magtrabaho sa nasabing bansa.

Nabatid na March 2025 dumating sa Jordan ang Pinoy students kung saan pinangakuan ito ng trabaho ng nagdeploy sa kanya doon.

Nabatid na student visa lamang ang gamit ng esdudyante kaya hindi siya maaaring magtrabaho doon.

Nagpaalala naman ang Philippine Embassy na labag sa Jordanian law ang pagtatrabaho doon gamit ang student visa.

Ipinaliwanag ng embahada na ito ay may katapat na parusang pagkakakulong, pagmulta at deportation.

Facebook Comments