FILIPINO WAR VETERANS | Higit 800 milyong pisong budget na total administrative disability pension para sa mga World War II veterans, inilabas ng budget department

Manila, Philippines – Mahigit P800 milyong budget ang inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) para sa total administrative disability pension para sa mga beterano ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, makakatanggap ng 1,700 dagdag na pensyon ang mahigit sa 6,000 nabubuhay pang asawa ng mga beterano.

Sinabi naman ni Diokno na kalahati pa lang ang nasabing halaga ng kabuuang pondong inilaan sa total administrative disability pension na aabot sa mahigit P1.65 billion.


Aniya, mayroong posibilidad na mailabas nila ang natitira pang kalahati ng pensyon bago matapos ang taon.

Facebook Comments