Filipino wheelchair racer na si Jerrold Mangliwan, na-disqualified sa isang laro sa Tokyo Paralympic

Na-disqualified sa men’s 400-meter final ang Filipino wheelchair racer na si Jerrold Mangliwan sa ginaganap na Tokyo Paralympic Games.

Ito ay matapos na hindi matapos ni Mangliwan ang laro dahil sa lane infringement bunsod na paglabag nito sa Rule 18.5.

Nakasaad sa panuntunan na bawal sa mga atleta na lumabas sa kanilang sariling lanes kung magtatangkang mag-overtake.


Maging ang paralympic athlete ng US ay na-disqualified din.

Ang Japanese athlete na si Sato Tomoki ang nakasungkit ng gold medal.

Samantala sa kabila nito lalahok pa rin naman sa men’s 100m at 1500m si Mangliwan.

Facebook Comments