Manila, Philippines – Magkakasa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng ika-anim at final dry run convoy para sa idaraos na 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa bansa.
Isasagawa ang dry run sa Miyerkules, November 8, mula ala una nang madaling araw hanggang alas kwatro ng madaling araw.
Ipatutupad ang stop-and-go scheme sa kahabaan ng Diosdado Macapagal International Airport sa Clark patungong southern part ng Metro Manila.
Asahan na ayon sa MMDA ang mabigat na daloy ng trapiko hanggang sa umaga ng MIyerkules
Kabilang sa mga apektadong kalsada ang mga sUMUSUNOD:
Clark Complex in Pampanga; along SCTEX from Clark to NLEX; along NLEX from SCTEX to Balintawak; along EDSA from Balintawak to Magallanes; along Diokno from Entertainment City to Buendia; along Ayala Avenue from EDSA to Makati Avenue; along Makati Avenue from Ayala to Pasay Road; along Pasay Road from EDSA to Amorsolo; along Lawton from 5th Avenue to 30th Avenue; at along McKinley Road from EDSA to 15th Avenue.
Maglalagay ang MMDA ng orange barriers mula Balintawak patungong Magallanes para ilaan ang 2 inner lanes sa convoy.