Pasay City – Nagsasagawa ngayong hapon ng final coordinating conference ang Southern Police District sa venue ng concert ni Britney Spears sa Pasay City.
Mismong si SPD Director Chief Supt. Tomas Apolinario ang nangunguna sa pagplantsa sa seguridad na ipapatupad sa Huwebes.
Lumalahok din sa coordinating conference ang concerned security agencies.
Ayon sa Southern Police District, mahigpit na protocol ang ipatutupad ng pulisya at ng event organizers sa naturang concert.
DZXL558
Facebook Comments