FINAL COORDINATING CONFRENCE, para sa MAY 13 ELECTION, isinagawa ng PRO 12!

Isinagawa ng Police Regional Office (PRO) 12 sa ilalim ng liderato ni PBGEN ELISEO TAM RASCO ang third and final Regional Joint Security Control Center (RJSCC) Coordinating Conference.
Ito ay upang takalayin ang mga pinal na paghahanda nila para sa nalalapit na 2019 Midterm Elections. Ang komperensya ay dinaluhan ng mga ahensya at pinangasiwaan ng COMELEC 12.
Dumalo rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Education (DepEd), F2 Logistics, National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Social Action Center at ang Bureau of Local Government Finance (BLGF).
Ang bawat sektor ay nagprisenta ng kani-kanilang action plans na alinsunod sa kanilang mga responsibilidad sa pagdaraos ng halalan. Ayon kay RD RASCO, “nakalatag na ang lahat ng preparasyon para sa seguridad ng lahat sa darating na election, lahat ng banta at sakuna ay inaasahan mangyari kung kaya’t naka high alert lahat ng unit.
Napag-alaman na walang naitatalang election related violence sa buong rehiyon-12 subalit manananatili umanong alerto ang PRO-12.(Daisy Mangod)
PNP 12 Pic

Facebook Comments