Manila, Philippines – Sinabi ngayon ng Judicial and Bar Council (JBC) na hindi pa nila binubuksan ang pagtanggap ng aplikasyon at nominasyon para sa susunod na Chief Justice ng Korte Suprema.
Nagpasya ang mga miyembro ng JBC na hintayin muna na ang final na desisyon ng Supreme Court (SC) sa quo warranto petition laban sa napatalsik na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinasabing ito na ang napagkasunduan ng JBC kung saan pinamumunuan ito ni Senior Associate Justice at ngayon ay acting Chief Justice Antonio Carpio bilang chairman.
Habang pawang ex-officer members naman sina Justice Secretary Menardo Guevarra, Senator Richard Gordon at Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali.
Matatandaan na noong May 11, 2018 nang ilabas ng Korte Suprema ang desisyon na pumapabor sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban kay Sereno.