Manila, Philippines – Tama lang ang Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang final decision na itigil na ang peace talks.
Ito ang sinabi ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla.
Hindi raw kasi tumitigil ang New People’s Army sa kanilang pangingikil at pananambang sa tropa ng pamahalaan kaya tama lang desisyon ng pangulo.
Palagi na lamang daw ang AFP ang nagbibigay kaya kailangan ng wakasan nito.
Ang magiging epekto aniya ito sa publiko mas magiging magulo sa kanayunan dahil sa operasyon pero tiniyak naman ng militar na palagi silang handa para protekatahan ang publiko laban sa mga pag-atake.
Sa ngayon nasa offensive mode na ang militar para sa pagtugis sa mga miyembro ng New People’s Army.
Facebook Comments