Final draft ng IRR ng Rice Tariffication Law, natapos na

Manila, Philippines – Tapos na ang final draft ng Implementing Rules and Regulation o IRR ng Rice Tariffication Law.

Sabi ni National Food Authority OIC Tomas Escarez, tinapos na ang IRR sa ginanap na pulong noong isang araw.

Pero hindi pa ito napipirmahan ng Department of Agriculture (DA), National Economic and Development Authority (NEDA) at ng Department of Budget and Management (DBM).


Sakaling mapirmahan na ang IRR ay hindi na kailangan pang dumaan sa NFA ang mga transaksyon kaugnay sa pag-aangkat ng bigas.

Facebook Comments