Final inspection sa mga POGO sa bansa, ikakasa ng DILG; Sec. Jonvic Remulla, muling iginiit na hindi nila pagmamay-ari ang POGO hub sa Cavite

Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na magpapatuloy ang pagpapatupad sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa ilalim ng kanyang pamumuno sa kagawaran.

Sa ambush interview sa Villamor, sinabi ng kalihim na magkakaroon ng final inspection ang kagawaran sa mga POGO at dapat masiguro na sarado na ang lahat ng ito pagdating ng December 15.

Personal din aniyang bibisitahin ang mga lugar na may POGO para masigurong nakakandado na ang mga ito at hindi na mago-operate.


Muli namang iginiit ni Remulla na hindi pagmamay-ari ng kanilang pamilya ang iniuugnay na POGO hub sa dating Island Cove sa Cavite, pero uunahin aniya itong ipasara para ipakita ang kanyang sinseridad sa tungkulin at kampanya.

Facebook Comments