Final inspection sa mga SEA Games venue natapos ng maayos – PNP

Hindi nakakita ng problema ang Philippine National Police (PNP) sa ginawang final inspection sa mga pagdarausan ng SEA Games sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesman B/Gen. Bernard Banac, natapos kahapon ang ginawang inspeksyon sa lahat ng venue kabilang na dito ang mga arena at playing field sa Metro Manila, Region 3, Region 4-A, at Region 1.

Maayos na rin ang koordinasyon ng lahat ng kanilang police units sa mga Local Government Unit (LGU) maging sa traffic management team.


Sa ngayon, tuloy tuloy ang pagdating ng mga delegado kaya naman tuloy tuloy din ang kanilang deployment ng convoy security escorts.

Facebook Comments