Inaasahang iaanunsyo ng World Health Organization (WHO) sa susunod na linggo ang final schedule ng kanilang solidarity vaccine trials sa Pilipinas.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary for Research and Development Rowena Guevarra, ang WHO Solidarity Vaccine Trial ay magtatagal ng hanggang 18 buwan na posibleng magsimula sa susunod na buwan.
Kabilang din sa iaanunsyo kung anong brand ng COVID-19 vaccine ang gagamitin sa pag-aaral.
Ang DOST ay naghihintay ng final Standard Operating Procedures (SOPs) at ilang protocol para sa pagsasagawa ng solidarity vaccine trial sa bansa.
Ang WHO Solidarity Trial ay pinondohan ng pamahalaan sa pamamagitan ng DOST at ng Department of Health (DOH).
Facebook Comments