Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang final test broadcast nito para sa DepEd TV.
Ayon kay Education Infromation and Communications Technology Service (ICTS) Director Abram Abanil, layunin ng test broadcast na malaman kung ang mga contents, designs, themes, templates at iba pang binubuo para sa isang Television episodes ay magiging matagumpay.
Ang DepEd ay kasalukuyang nagsasagawa ng dry run ng 26 na episodes, katumbas ng isang araw na TV episodes na sisimulang i-ere simula sa October 5, 2020.
Inaasahang makakapagsagawa sila ng 130 episodes kada linggo tampok ang iba’t ibang lessons at lectures na ipapalabas sa ilang TV channels.
Tampok sa mga lesson ang Alternative Learning System (ALS), mga lesson para sa Kinder at iba pang grade levels.
Mayroon ding pelikula para sa iba parang estudyante na nasa higher levels o mga nasa Senior High School.
Magkakaroon din ng episodes para sa professional development para sa mga guro at para sa mga magulang kung paano mapapatnubayan ang kanilang mga anak sa ilalim ng distance learning.
Sinabi ni Abanil na ang mga naturang episode ay para sa mga major subject lamang.
Ipapalabas din ang DepEd TV episodes sa iba’t ibang dayalekto.
Sa ngayon, mayroong 107 teacher-broadcasters sa buong bansa at karamihan ay mula sa Metro Manila.
Magtatagal ang test broadcast hanggang Biyernes, September 25, 2020.