FINAL TESTING AND SEALING NG GAGAMITING MGA AUTOMATED COUNTING MACHINE, ISINAGAWA SA DAGUPAN CITY

Matagumpay ang pagsasagawa ng Final Testing and Sealing ng gagamiting mga Automated Counting Machine (ACMs) sa Dagupan City para sa Halalan 2025 sa darating na May 12.
Tinungo ang mga voting centers sa mga island barangays – Lomboy Elementary School, Salapingao Elementary School, Pugaro Suit Elementary School at Pugaro Integrated School, sa pangunguna ng COMELEC Dagupan, COMELEC Pangasinan, katuwang ang Dagupan Philippine National Police (PNP) at Foreign Observers mula sa Asian Network for Free Elections.
Sa panayam kay Dagupan City Election Officer Atty. Michael Frank Sarmiento, naging maayos ang isinagawang FTS at hindi nakitaan ng anomang malaking aberya ang mga ACMs.
Samantala, nagkaroon ng positibong feedback ang mga Electoral Boards at iba pang mga sumubok ng gagamiting voting machine.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments