Manila, Philippines – Sisimulan na ng Commission on Election o Comelec ang final testing and sealing (FTS) ng 85,000 vote counting machine o VCM.
Ayon kay Atty. Frances Arabe, director ng education and information ng Comelec, isasagawa ang FTS hanggang Mayo 10 para matukoy kung tama ang pagbibilang ng mga makina.
Sa ilalim ng proseso, mayroong sampung botante ang boboto gamit ang aktwal na balota na may nakasulat na testing ballot.
Makaraang bilangin ang mga boto, ikukumpara ito sa manual canvassing ng VCM.
Nilinaw naman ni Arabe, na walang magaganap na testing sa transition system ng mga makina.
Matapos ang FTS, ikakandado ang mga VCM at bubuksan lang sa araw ng eleksyon.
Facebook Comments