Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Israel na natapos na nila ang final testing at ang sealing o pagseselyo ng Vote-Counting Machine.
Kaugnay ito ng pagsisimula ng Overseas Absentee Voting sa darating na Linggo, April 10.
Sinaksihan naman ng mga kinatawan ng political parties ang testing sa mga balota at ang pagseselyo sa mga makina
Tinuruan na rin ng embahada ang mga Pinoy roon hinggil sa proseso ng gagawing OAV.
Mahigpit namang paiiralin ang social distancing protocol sa pagdaraos ng OAV.
Facebook Comments