Final Testing At Sealing Ng Mga Vcm Para Sa Overseas Voting Sa Abu Dhabi, Sinimulan Na

2

MANILA – Sinimulan na ang final testing at sealing ng mga Vote Counting Machine sa embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi.Ito’y bahagi ng isasagawang overseas voting na magsisimula sa Abril 9 at magtatapos sa Mayo 9.Ayon sa Commission on Elections, ang final testing at sealing ang pinakahuling proseso para masuri ang pagiging kumpleto, seguridad at bilis ng vcm bago ang mismong araw ng eleksyon.Una nang naimbitahan ng Comelec ang mga rehistradong political party at organisasyon para sumaksi sa nasabing final testing at sealing.

Facebook Comments