Magsasagawa ang Commission on Elections (COMELEC) ng final testing at sealing ng VCMs sa mga presinto sa buong bansa mula May 2 hanggang 7.
Kasunod nito ay hinimok naman ng COMELEC ang mga political parties at ang publiko na dumalo upang maipakita ang transparency ng komisyon para sa May 2022 Elections.
Sa naturang period, ang mga VCMs ay susuriin upang matiyak na handa itong gamitin sa araw ng halalan.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Erwin Garcia na mag-iimprenta ng resibo ang mga makina at kapag zero ang lumabas, ibig sabihin ay walang kalaman-laman ang makina.
Maaari ring mag-undervote, overvote, mag-shade ng hindi tama, magmarka o pumunit ng balota ang mga kalahok sa final sealing at testing upang makita kung ito ay tatanggapin ng VCMs.