Final testing at sealing ng VCMs, sabay-sabay na ginagawa ngayon sa iba’t ibang bahagi ng bansa

Photo Coutesy: Radyoman Emman Mortega and DK Zarate

Sabay-sabay na isinasagawa ngayong araw ang final testing at sealing ng mga vote counting machine (VCM) sa iba’t ibang bahagi bansa.

 

Ang hakbang na ito ng Commission on Elections (COMELEC) ay para matiyak na magiging transparent ang halalan sa Lunes

Umaapela rin ang COMELEC ng partisipasyon ng publiko sa final testing at sealing ng VCMs mula ngayong araw hanggang sa Mayo 7.


 

Sinabi naman ni COMELEC Commissioner George Garcia sa mga participants sa final testing at sealing ng mga balota, maaari mag- undervote, overvote, huwag mag-shade sa balota ng tama at puwede nilang punitin ang balota.

Ang final testing at sealing sa Metro Manila ay isinasagawa ng COMELEC sa San Jaun Elementary School malapit sa Agora Park, San Juan City kung saan dinaluhan mismo ito ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan.

 

 

Facebook Comments