FINALS | San Miguel Beermen, naitabla ang serye kontra Barangay Ginebra sa PBA Commissioners Cup

Manila, Philippines – Naitabla na sa 1-1 ng San Miguel Beermen ang best of seven series nila kontra Barangay Ginebra sa finals ng PBA Commissioners Cup.

Tinambakan ng Beermen ang Gin Kings sa score na 134-109.

Nanguna sa panalo ng Beermen si Alex Cabagnot na may 33-points habang mayroong 25-points si June Mar Fajardo at 20-points naman ang naitala ni Christian Standhardinger.


Sa nasabing laban ng dalawa, itinuturing itong pinakamaraming bilang ng nanood ngayong conference matapos na umabot ang bilang sa mahigit 15,000 na fans sa The Big Dome.

Facebook Comments