Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang Philippine Army kung paano nagkaroon ng sunog na tumupok sa gusali ng Finance Center ng Philippine Army Headquarters sa Taguig City.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala, alas-8:45 ng gabi kagabi nang magsimula ang sunog sa GSMO office na makikita sa loob ng gusali ng Finance Center Philippine Army.
Habang alas-10:03 ng gabi nang ideklarang fire out ng mga rumespondeng bumbero ang sunog.
Wala namang naitalang casualty sa sunog at inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsala nito.
Facebook Comments