Vatican – Kasong multiple child offenses ang isinampa laban sa Finance Chief ng Vatican na si Cardinal George Pell.
Ayon kay Australian Deputy Commissioner Shane Patton – isinampa nila ang kaso laban kay Pell dahil sa kaniyang sexual assault offenses.
Noong Oktubre, inimbitahan ng Australian Police si Pell sa Rome hinggil sa mga alegasyon laban sa kaniya na mariing itinanggi ng Cardinal.
Tumanggi naman na si Patton na maglahad ng iba pang impormasyon hinggil sa kaso ni Pell at sinabing kailangang i-preserve ang integridad ng judicial process.
Si Pell ay naordinahan bilang pari sa Roma noong 1966 bago ito bumalik sa Australia noong 1971.
Taong 2014 nang magtungo siya sa Vatican matapos hirangin ni Pope Francis bilang finance chief.
Facebook Comments