Manila, Philippines – Walang aregluhang nangyari sa pagitan ng Mighty Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ito ang nilinaw ng Department of Finance (DOF) kasunod ng pagbabayad ng tobacco company ng 40-bilyong piso sa gobyerno kapalit ng pag-atras sa mga reklamong tax evasion laban sa Mighty.
Sabi ni Finance Secretary Sonny Domiguez – ang pagkakaintindi niya sa pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na itinuturing na itong case close ay para lang sa criminal charges at hindi ang pananagutan ng kompanya sa pagbabayad ng tamang buwis.
Una nang sinabi ni Aguirre na iniatras na ang mga kaso dahil may compromise agreement ang Mighty at BIR.
At dahil hindi pa naiihain ang mga reklamo, pumayag dito ang DOJ.
Ayon naman sa malacañang, gagamitin sa infrastructure project ng gobyerno ang bilyong-bilyong ibinayad ng nasabing kompanya ng sigarilyo.