
Naaresto sa Pasay City ang Chinese national na sinasabing finance officer ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO hub na Zun Yuan Technology sa Bamban, Tarlac.
Kinilala ang naarestong Chinese national na si Pan Meishu.
Si Pan ay sinasabing nakatakas sa raid ng mga awtoridad sa Bamban.
Nabatid na naaresto si Pan habang kumakain sa isang restaurant sa Pasay City.
Si Pan ay nahaharap sa kasong Qualified human trafficking at paglabag sa Philippine Immigration Laws.
Facebook Comments