Finance Sec. Benjamin Diokno, nanindigan sa unang pahayag na pagsasayang ng pondo ang pandemic ayuda

Nanindigan si Finance Secretary Benjamin Diokno sa Senado na pagsasayang ng pondo ang ‘pandemic ayuda’.

Sa pagtalakay ng 2023 National Expenditure Program (NEP), ay pinalilinaw ni Senator Alan Peter Cayetano kay Diokno kung ang nauna ba nitong pahayag na ‘waste of funds’ ang mga pandemic-related ayuda ay tumutukoy sa mga ‘dole-outs’ at hindi naman ang mga ‘targeted ayuda’.

Para kay Diokno, sa panahon ngayon na unti-unting bumabangon ang ekonomiya ay maituturing na pagsasayang na ng pondo ang mga ipinamimigay na ayuda na may kinalaman sa pandemya.


Dagdag ni Diokno, may mga mas mahahalagang proyekto na kinakailangan ng budget gaya na lamang ng bagong batas na nagtataas sa pinansyal na tulong sa mga mahihirap na senior citizens sa ₱1,000.

Pero nilinaw naman ng kalihim na ang mga ‘targeted assistance’ para sa mga miyembro ng 4Ps at mga drivers na apektado ng mataas na presyo ng bilihin at langis ay ipagpapatuloy ang tulong na ibibigay at hindi ito ititigil ng pamahalaan.

Facebook Comments