Tiniyak ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na walang mangyayaring pagtaas sa buwis sa kabila ng mabagal na pagbangon ng ekonomiya dahil sa nararanasang COVID-19 pandemic.
Ayon kay Dominguez, hindi magandang ideya ang pagdagdag sa buwis ng mamamayan dahil wala rin namang kinikita ang karamihan sa mga ito.
Nilinaw rin ni Dominguez na hindi ibebenta ng gobyerno ang ilan sa mga assets nito para lamang tumaas ang kikitain ng bansa.
Una nang binaggit ng kalihim na maghahanap ang gobyerno ng karagdagang revenue sources para mabayaran ang mga naging utang ng bansa ngayong taon.
Facebook Comments