Financial Assistance, Ibinigay na sa Pamilya ng 5 Sundalong Nasawi sa Bakbakan sa Sulu!

*Gamu, Isabela-* Iniabot na ng pamunuan ng 5th Infantry Division sa pangungunan ni Major General Perfecto Rimando Jr., Commanding General ng 5th ID, PA ang kanilang tulong financial Assistance sa mga pamilya ng limang yumaong sundalo maging ang tulong mula sa Chief of Staff ng AFP, Commanding General ng Philippine Army at sa Commander ng Western Mindanao Command.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Major Jefferson Somera, pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO), nagdadalamhati ngayon ang buong pamunuan ng 5 th ID maging ang mga pamilya ng mga yumaong sundalo.

Katatapos lamang aniya ngayong umaga ang misa para sa limang nasawing sundalo kasama ang kanilang mga pamilya na isinagawa sa pamunuan ng 5th ID sa Upi, Gamu, Isabela.


Una nang nabigyan kahapon ng military honors ang mga nasawi sakay ng C130 plane dahil sa kanilang pagbubuwis ng buhay matapos makipag sagupaan sa mahigit kumulang 70 miyembro ng Abu Sayyaf Group sa brgy Liang, Patikul, Sulu noong Nov. 16, 2018.

Tiniyak naman kahapon ni Major General Perfecto Rimando Jr. Sa kanyang naging pananalita sa pagsalubong sa mga nasawi na ibibigay nila lahat ang mga financial at burial assistance at iba pang benipisyo sa pamilya ng mga sundalong yumao.

Kaugnay nito ay nakatakda namang iuwi ngayong araw ng kanilang mga kaanak ang mga labi ng mga namayapang sundalo sa kani-kanilang bahay.

Facebook Comments