Financial assistance na naibigay sa mga sumukong rebelde na sa P171.6-M – DILG

Mula July 2018 hanggang November 2019,nasa  P171.6-million na financial assistance package na ang naibigay sa mga nagbalik loob na rebelde sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP Program.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, kabuuang 2,882 rebel surrenderers ang nabigyan ng tulong pinansiyal.

Base sa  datus ng  DILG-National Barangay Operations Office, sa kabuuang  2,882 na  mga dating rebelde  2,635 dito ang agad nabigyan ng agarang tulong; 1,788 para sa livelihood assistance at 655 sa firearms remuneration.


Sinabi ni Malaya, lubha na raw nasasaktan ang  Communist Party of the Philippines (CPP)  at New People’s Army (NPA) dahil sa dami na ng mga sumuko mula Hulyo noong nakalipas na taon.

Patunay lamang aniya ito na wala nang kredibilidad ang kilusan at hindi sa lahat ng pagkakataon ay maloloko nila ang mga tao.

Sa ilalim ng E-CLIP Program, makakatanggap ng livelihood assistance na P50,000 at iba pang benepisyo ang sinumang susukong rebelde na susuko.

Sa kabila ng matagumpay na kampanya ng DILG laban sa komunistang grupo mas pinasigla din ng pamahalaan ang pagbibigay serbisyo sa grass roots level.

Facebook Comments