Cordon, Isabela – Kasalukuyan ngayon ang distribusyon ng halagang Php 10,000 para sa mga Small and Medium Enterprise o SME sa Cordon Isabela.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Romy Santos, Media Consultant ng Isabela Provincial Office, aniya ang pondo ay mula sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa pangunguna ni Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III at Vice Governor Tonypet Albano na nasa ilalim ng isang ordinansa na pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan kung saan ang frontline dito ay ang Provincial Cooperative Development Office o PCDO.
Sinabi pa ni Ginoong Santos na ang nangangasiwa sa nasabing distribusyon sa Condon Isabela ay mga opisyal ng mga Department Heads, Provincial Administrator at ilang Provincial Agriculturist .
Layunin umano nito na makapagpahiram ng puhunan sa mga maliliit na negosyante sa halagang P10,0000 maging sa mga OFW’s na umuwi na dito sa lalawigan .
Ang halagang hihiramin umano ay mababayaran sa loob ng isang taon at pagkatapos ng dalawang buwan ay maari nang umpisahan ang pagbabayad na walang interest.
Aabot sa 400 ang recipients ng cordon kung saan ay dumaan ang mga ito sa mga pagsusuri mula sa barangay hanggang sa kapitolyo.
Samantala ang naturang distribusyon ay isinasagawa sa mismong tanggapan ng Iglesia Filipina Independiente sa Cordon, Isabela.