Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) ang dagdag sa financial assistance para sa distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya.
Ayon sa DMW, batay sa Department Order No. 05, series of 2024, ang standard na halaga ng assistance ay magiging ₱30,000.
Kabilang sa makakatanggap nito ay ang Pinoy workers na biktima bg natural disasters o human-induced emergencies, at human trafficking
₱50,000 naman para sa OFWs na matinding naapektuhan ng pagkalugi ng kumpanya, naapektuhan ng kalamidad sa bansang pinagtatrabahuhan, biktima ng pag-abuso, exploitation, pagmaltrato o paglabag sa kontrata.
₱75,000 naman ang matatanggap na tinamaan ng matinding sakit, mental health condition; OFWs na nagkaroon ng physical disability, injuries, o problema sa mental health condition dahil sa pag-abuso ng employer.
Gayundin ang OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa giyera o binawian ng buhay.
Ang pamilya naman ng OFWs na binawian ng buhay dahil sa natural o aksidenteng kamatayan ay tatanggap ng ₱100,000 na financial assistance.