Financial Assistance sa mga Stall owner ng Private Market, Natanggap na

Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ng ceremonial signing ang lokal na pamahalaan ng Cauayan sa mga tenants ng Cauayan City Private Market para sa tulong pinansyal na kanilang tatanggapin dahil sa matinding epekto ng pandemya sa kanilang mga kabuhayan.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay City Councilor Edgardo ‘Egay’ Atienza, lalagda sa payroll ang bawat stall owner kung saan ang tatanggap sila ng P5,000 kada stall na siya namang ibabawas binabayarang joining fee sa pamunuan ng Primark Mall.

Aniya, nasa kabuuang 1,099 stall owners ang lalagda rito.


Dagdag pa ni Atienza na kabilang rin sa makatatanggap ng tulong pinansyal ang mga vendor na makikita sa palibot ng palengke o yung mga nasa bangketa lamang na nagbebenta ng mga gulay at iba pa.

Isa sa naging problema ng mga may-ari ng stall sa private market ang mabigat na bayarin ng joining fee kung saan kada limang taon ay nagbabayad ang mga ito ng P16,000 hanggang P25,000.

Matatandaan na isinulong ni Atienza ang naturang resolusyon na layuning tugunan ang problema ng mga maliliit na negosyante na nangungupahan sa private market.

Tiniyak naman ng opisyal na magkakaroon ng regular na ugnayan sa mga stall owner para alamin ang kanilang hinaing.

Facebook Comments