Manila, Philippines – Ipinasasapubliko ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Isagani Zarate ang financial data ng Social Security System (SSS).
Hindi kumbinsido ang grupo na ipinagmamalaki ng SSS na tumaas ang kanilang collection efficiency.
Nais malaman ng mambabatas kung ilang porsyento ng mga miyembro ng SSS ang nakolektahan ng ahensya.
Sinabi din ng kongresista na tatlong beses na silang lumiham kay SSS President Emmanuel Dooc para ilabas ang koleksyon subalit ipinapasa lang sila sa relevant units.
Hindi rin aniya tama na isisi sa mga retiradong tumatanggap ng pensyon ang dagdag na benepisyo kundi sa palpak at tamad na pangongolekta ng kontribusyon.
Una rito, ibinunyag ng Makabayan ang uncollected premiums sa libu-libong employer mula noong 2013 na nagkakahalaga ng halos P50 billion base sa findings ng Commission on Audit (COA).