Financial incentive, pinabibigay sa mga manggagawa kasunod na rin ng paggunita sa araw ng paggawa

Umapela si Kabayan Rep. Ron Salo na bigyan ng financial incentive ang mga manggagawa para makatulong sa pag-angat sa kanilang kabuhauyan.

 

Ayon sa mambabatas, higit sa mga papuri na madalas banggitin tuwing Labor Day, dapat na maaksyunan na ang panukala para sa 14th month pay ng mga empleyado sa gobyerno gayundin sa pribadong sektor.

 

Giit ng kongresista, simula noong 2016 ay naitala ang mataas na economic growth ng bansa kaya hindi katanggap-tanggap ang dahilan ng ilang negosyante na hindi nila kayang ibigay ang 14th month pay.


 

Dagdag pa nito, kapag naisabatas na ang tinatawag na TRABAHO bill, mas tataas pa ang kapasidad ng mga kumpanya na magbigay ng financial incentives.

 

Binigyang diin nito na malaki ang maitutulong ng 14th month pay bilang ng extra cash ng bawat pamilya sa panahon ng enrollment mula Mayo hanggang Agosto.

Facebook Comments