Manila, Philippines – Pinalalakas pa ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang kanilang Financial Investigation Capability para matunton ang tinatawag na Drug Money Trail.
Ayon kay PDEA Diector Aaron Aquino sa tulong nito mapipigilan ang mga drug lords na gamitin ang kanilang pera o impluwensiya upang hindi mapanagot sa batas.
Paliwanag ni Aquino layuning ito, isinailalim ng ahensya kamakailan sa apat na araw na Financial Investigation workshop ang ilang tauhan nito kasama na ang ilan pa sa kanilang counterpart sa Anti-Money Laundering Council o AMLC.
Naniniwala si PDEA Director General Aquino, na masasayang lamang ang kanilang paghihirap sa paghanap at pag-aresto sa mga illegal drug dealers at manufacturers kung hindi naman nila mapipigil ang ‘Assets’ ng mga kriminal habang ang mga ito ay inuusig sa korte.
Dagdag pa ni Aquino na napakahalaga sa tagumpay ng kanilang operasyon laban sa Multi-Billion pesos na Illegal Drug Trade sa bansa ang malakas na Intelligence Operation, investigation procedure at pakiki-ugnayan sa AMLC at iba pang Financial Institutions.
Sa puntong ito, magkakaroon ng malakas na kaso ang PDEA laban sa mga drug lords at agaran ring mailalagay sa freeze order ang kanilang drug money bago pa man ito magamit sa tinatawag na Mainstream Economy.