Financial Literacy dapat ituro sa mga paaralan bilang pangontra sa mga investiment scam

Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagtuturo ng Financial Literacy sa Senior High School bilang isa sa mga hakbang para maproteksyunan ang publiko laban sa investment scam.

Mungkahi ito ni Gatchalian sa harap ng mga dumaraming biktima ng investment scam tulad umano sa kaso ng Kapa Community Ministry International Incorporated.

Ayon kay Gatchalian, ang mga estudyante sa Senior High School na malapit ng magtrabaho ay mahalagang maging alisto sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman kung paano papangalagaan ang kanilang pera laban sa Ponzi Scheme o mga investment scam.


Payo pa ni Gatchalian sa mamamayan, huwag maengganyo sa mga nangangako ng napakalaking intres kapalit ng kanilang salapi na pinaghirapan nilang ipunin.

Facebook Comments