Nagbabala si Senator Grace Poe na mas magiging malala pa ang financial scams sa bansa kung hindi ito maaagapan ng mahigpit na batas.
Tinukoy ni Poe, sponsor ng Anti-Financial Account Scamming Act, na lalo lamang pinatunayan ng Pilipinas na tayo ang scamming hotbed sa buong Asya dahil sa magkakasunod at malalaking kaso ng online financial scams kung saan noong 2022.
Nito lamang nakaraang linggo ay iniulat aniya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagkawala ng pera ng nasa 120 e-wallet account holders habang noong 2022, panglima ang bansa sa mga Southeast Asian countries sa dami ng mga naitalang kaso ng phishing attacks at mga insidente.
Babala ni Poe, tulad ng pinaniniwalaan ng mga cybersecurity experts, mas sasama pa ang mga insidente ngayong taon at sa mga susunod pa kung hindi ito maaagapan.
Dagdag pa ni Poe, kailangan ngayon ng mas kongkretong aksyon para habulin at parusahan ang mga manloloko at masasama ang loob dahil ang mga modus na ganito ang nagpapahina sa ating tiwala sa financial system ng bansa.