
Pinatutugis din ni Senator Grace Poe sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga nagpa-finance sa pagpapakalat ng fake news sa social media.
Naniniwala si Poe na mahalagang matukoy kung sino ang gumagastos sa aktibidad na ito para ganoon na lamang kung kumalat ang mga fake news.
Nilinaw ng senadora na hindi ito “act of censorship” kundi isang hakbang para maprotektahan ang publiko sa mga tantyadong panlilinlang.
Ipinunto rin ng mambabatas na importante ring maging balanse, tumutugon sa batas, may due process at paggalang sa karapatan ng lahat.
Batay aniya sa SWS survey ngayong buwan, lumabas na 65 percent ng mga Pilipino ay hirap matukoy ang kaibahan ng totoong balita sa mga maling impormasyong makikita partikular na sa social media.
Facebook Comments