Tiniyak ng Malacañang na hahabulin nila ang mga nagpopondo sa Communist Party of the Philippines (CPP) at sa New Peoples’ Army (NPA).
Nabatid na kabilang ang Pilipinas sa grey list ng Financial Action Task Force dahil sa tumataas na bilang ng money laundering at terrorist financing.
Ang Financial Action Task Force ay isang international organization na layong tumulong sa global crack down sa money laundering at terrorism financing.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat lamang na isara ang sinumang nagpopondo sa mga rebeldeng komunista.
“Well, obviously po, iyong CPP-NPA na terrorist group, mayroon pa ring pondo, so kinakailangan talaga, isarado natin kung sana nanggagaling iyong mga pondo nila,” ani Roque.
“So, this is also to the benefit of the Republic and we agree that more efforts have to be exerted para talagang mawalan ng pondo iyong mga teroristang iyan,” dagdag pa ni Roque.
Paglilinaw naman ni Roque na ang pagkakabilang ng bansa sa grey list ay hindi nangangahulungang uri ito ng sanction.
Sa ngayon, ang petisyon ng pamahalaan na ideklara ang CPP-NPA bilang terrorist organization ay nakabinbin sa Manila Regional Trial Court.