Manila, Philippines – Nakatakdang lagdaan ng Pilipinas at China ang 10 financing deals.
Ito ay kasabay ng pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa bansa sa Nobyembre.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno, ang mga loan agreements ay gagamitin para pondohan ang malawakang proyektong pang-imprastraktura o build build build program ng pamahalaan.
Tiniyak naman ng kalihim na hindi mahuhulog sa debt. trap ang Pilipinas dahil matatag ang fiscal position ng bansa.
Kabilang sa mga proyektong popondohan ng Chinese government ay ang Subic-Clark Railway, North-South Railway (Laguna-Batangas-Sorsogon) line at pagtatayo ng Kaliwa Dam.
Facebook Comments