Tinatayang nasa 20 million Pinoy ang mabibigyan ng libreng COVID-19 vaccine ng pamahalaan.
Sa briefing sa Malacañang, tiniyak ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III na may pagkukunan ng pondo para sa P20 billion worth ng COVID-19 vaccine na inaasahang ilalabas sa buwan ng Disyembre.
Ayon kay Dominguez, nasa 500 hanggang 1,200 pesos ang posibleng maging halaga per dose ng bakuna kung saan aabot ng 400 million dollars o 20 billion pesos ang kakailanganin ng gobyerno.
Bibilin aniya ang bakuna sa pamamagitan ng Philippine International Trading Corporation sa ilalim ng Department of Trade and Industry na iti-turn over naman sa Department of Health.
Babayaran ng DOH sa Landbank at Development Bank of the Philippines ang bakuna sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon.
Facebook Comments