Findings ng government doctors kay Quiboloy para sa hirit nitong hospital arrest, isusumite na sa korte

Nakatakdang isumite sa Pasig RTC Branch 159 ang official medical findings na isinagawa ng mga doktor mula sa Philippine National Police o PNP General Hospital kay KOJC founder Apollo Quiboloy.

Ito ay may kaugnayan sa hirit nitong hospital arrest dahil umano sa kanyang existing medical condition.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, ang korte na ang bahala kung magtatakda pa ng pagdinig hinggil dito o magdedesisyon na lamang base sa findings ng mga doktor.


Anuman aniya ang mga desisyon ng korte ay kanila itong irerespeto o susundin.

Pero sa araw-araw aniya na pagsusuri ng mga nurse kay Quiboloy sa kanyang piitan sa custodial facility ay maayos naman ang kondisyon nito.

Maliban sa government doctors, tinitignan din si Quiboloy ng kanyang personal physician.

Facebook Comments