Mas napagtibay ng inilabas na report ng Commission on Audit (COA) ang findings ng senado na mayroong nangyaring iregularidad sa PhilHealth.
Ito ang inihayag ni Senate President Tito Sotto III matapos lumabas ang report ng COA na nagkaroon ng overpayment ang PhilHealth sa mga health care facilities.
Ayon kay Sotto, maaari itong gamitin bilang suporta sa kanilang rekomendasyon na sampahan ng kaso ang mga opisyal ng ahenisya na sangkot sa pag-abuso ng PhilHealth reimbursement system.
Sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee of the Whole noong Agosto ay lumalabas na iligal at invalid ang inilabas ng PhilHealth na nasa ₱14 billion sa pamamagitan ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM).
Kasunod nito, inirekomenda ng senado na sampahan ng kasong malversation at graft sina Health Secretary Francisco Duque III, dating PhilHealth President Ricardo Morales at iba pang opisyal ng ahensiya.