Findings sa pagkamatay ng mga baboy, ilalabas bukas

Posibleng i-anunsyo na bukas ng Department of Agriculture (DA) ang resulta ng laboratory test na isinagawa para matukoy ang sanhi ng pagkakasakit at pagkamatay ng mga baboy sa ilang lugar sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar – kung magpositibo man aniya sa swine flu ang pagsusuri, wala dapat ikabahala ang publiko dahil na-contain na nila, na-manage at kontrolado na ang one kilometer radius kung saan namatay ang mga baboy.

Tiniyak rin ni Dar na nakahanda ang quarantine measures at food safety measures ng pamahalaan sa buong bansa.


Facebook Comments