FIRE ALERT | 10 estudyante, patay sa sunog sa isang boarding school sa Uganda

Uganda – Sampung estudyante ang nasawi habang tatlumpong iba ang nasaktan matapos masunog ang boys dormitory ng isang boarding school sa Rakai District sa Uganda.

Ayon sa Ugandan police, tatlong dating estudyante ng St. Bernard Secondary School at isang guwardiya ang inaresto dahil sa suspetsang sila ang may kagagagawan ng sunog.

Nangyari kasi ang sunog habang naka-padlock ang mga pintuan ng dormitoryo.


Dagdag pa ng mga otoridad nauna nang nagbanta ang grupo ng mga dating estudyante na sasaktan nila ang mga kapwa nila mag-aaral kung ie-expel sila ng eskuwelahan.

Posible pang tumaas ang bilang ng mga nasawi dahil ilan sa mga nasaktan ay nasa kritikal na kalagayan.

Facebook Comments