Matagumpay na naisagawa ang Fire & Earthquake Drill, kahapon sa Lingayen Municipal Hall sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection.
Sa pamamagitan ng drill, naipamalas ang wastong proseso ng paglikas, pagresponde, at pagsunod sa mga safety protocols upang maiwasan ang pinsala at mapanatili ang kaayusan sa oras ng sakuna.
Ang naturang gawain naman ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na palakasin ang kaalaman at kahandaan ng komunidad laban sa mga emergency at kalamidad.
Samantala, patuloy din ang mga programa at aktibidad ng iba pang bayan at lungsod katuwang ang mga ahensya na nagbibigay diin sa kaligtasan ng bawat mamamayan at hinihikayat ang lahat na aktibong lumahok sa mga ganitong pagsasanay upang maging handa sa anumang hindi inaasahang pangyayari.










